Kuwentong Kalye | Lugar
23 August 2003 | 0800H | Greenhills, San Juan

Libangan

Text by: Katrina Gail Tan | Photos by: Katrina Gail Tan


greenhills1 Masasabing dito sa mumunting lugar ng Greenhills, halos lahat na ng libangan ng mga Pinoy ay magagawa na. Isa ako sa magpapatunay nyan. Kalilipat ko lamang dito sa lugar na ito mga isang buwan na siguro ang nakakaraan. Nakakatuwa ngang isipin na dati, inaayawan ko pa ang ideyang manirahan dito sapagkat naisip ko na mapapalayo ako sa mga kaibigan ko sa Maynila. Ngunit ngayon, naisip kong wala nang mas-sasaya pa pakiramdam ng paninirahan dito sa Greenhills.

Sino nga ba naman ang aayaw manirahan dito? Maliban sa magdamagang shopping, punong puno pa ang lugar na ito ng napakaraming libangan na tamang tama sa mga taong nagnanais na magpalipas ng kanilang oras.

Isa sa lagi kong ginagawa ay ang manuod ng mga bagong pelikula. Ang dating Theater Mall ay inayos na ngayon at pinaganda. Sa halagang Php. 130, makakapanood ka na ng mga pelikula sa isang napakalinis at napakalamig na movie house. Kung iisipin, kasing halaga lamang ito ng mga movie houses sa Rockwell at Greenbelt. Kung ikukumpara, masasabi kong mas nakakalamang ang Theater Mall pagdating sa kalinisan at kakuntian ng mga manonood.

Isa pang libangan dito sa Greenhills ay ang mga gym na halos magkakalapit lamang. Mangilan-ngilan rito ay ang Fitness First at Slim World. Katulad nang nakagawian, mayroong mga instructor na maaring gamitin ng mga myembro ng mga ito upang maging gabay nila sa kanilang pangeensayo at pagpapapayat. Maaring medyo mahal nga lang and pagpapamiyembro dito sa mga ito ngunit natitiyak ko rin naman na malaki ang maitutulong nito sa pagpapalusog ng sarili.

Isa pang lugar na dinarayo ng maraming tao dito sa Greenhills ay ang Music Museum. greenhills2Buwan-buwan, nagkakaroon ng mga iba’t-ibang panauhin ang Music Museum upang maipalabas ang mga talento ng mga Pinoy na mangaawit dito sa Pilipinas. Ngayon, si Gary Valenciano ang kanilang ipinakikita at tiyak ko namang ang mga palabas nito ay talagang maganda. Paminsan-minsan, nagkakaroon rin naman ng mga tanghalan o plays dito. Ang huling napanood ko ay iyong tungkol kay Jose Rizal na para sa akin ay talagang pinaghandaan at pinagaralan.

Isa pang kakatuwang mga pangyayari na nagaganap rito sa Greenhills ay ang lingo-linggong pagsisimba. Sa kalooblooban ng Shopping Center, mapapansin ang talagang kakaibang pangyayari. Ito ay dahil hindi nalalayo sa simbahan ng mga Katoliko ang simbahan ng mga Muslim. Nakakatuwa ring isipin na kahit papaano, nagagawa ng mga Muslim manirahan at magtrabo sa mundo ng mga Kristiano. Kung sana lamang ganito ang nangyayari sa Mindanao, baka sakaling wala na tayong problema sa pakikipaglaban sa mga rebelde.

At siyempre wala nang hihigit pa sa mga napakamurang mga bilihin dito, dagdagan pa ng napakaraming mga maaring kainan tulad ng Tokyo Tokyo, Popeyes, KFC atbp. Tiyak na dito palang, mauubos na ang oras nyo kakalibot!

Iilan lamang ang mga iyan sa mga maaring gawing libangan dito sa Greenhills. Kaya’t para doon sa walang magawa sa buhay, huwag magatubiling dumaan dito sa Greenhills sapagkat nandito na halos lahat ng kakailanganin niyo at napakarami pang iba! --------------------------------------------------------------------------------


S E C T I O N S

Tao
Characters encountered,
conversations overheard,
lives examined.
[ Enter ]

Lugar
Geography, uncharted
territory, and inner
landscapes.
[ Enter ]

Bagay
Treasures, refuse,
ideas, and the odd
amulet or two.
[ Enter ]

Pangyayari
Action, reaction,
momentum, dissipation.
[ Enter ]

Metro Manila Stories
[ Home ]


Tao | Lugar | Bagay | Pangyayari | Home

Send comments or submissions to Kuwentong Kalye.

Kuwentong Kalye. All rights reserved.
Copyright 2002, Department of Communication
De La Salle University