22 August 2003 | 1800H | Makati and Sucat
NI-ha, ni-NOY
Text by: Pamela Ayson | Photos by: Paula Cortez
Sabi ni Ninoy, “The Filipinos are worth dying
for.” Naks, talaga nga namang bayani ang dating. Hindi
mapagkakaila na isa siyang makabayang tao. Marami
siyang ginawa para sa bansang Pilipinas, buong tapang
niyang sinugod ang kanyang mga prinsipyo at paniniwala
sa mga nanunungkulan na lumalabag sa karapatan ng
bawat Pilipino. Dakila nga talaga, ngunit, kung ating
titingnan, “worth it” ba talaga ang kanyang mga
sakripisyo?
Idineklara ng Pangulong Arroyo na bakasyon ang takdang
araw na ito, para maalala nating mga Pilipino ang
pinagdaanan ng tinaguriang Modern-day hero ng ating
bansa. Meroon ngang mga seremonyas at programa,
meroong din namang media coverage, at meron ding mga
paraphernalia na tulungan tayong mga mamamayan na
alalahanin at pasalamatan si Ninoy. Ngunit, tunay bang
napapaabot ang mensahe nito? Di mapawari sa aking
isipan na walang pakialam ang mga tao. Tumingin man sa
paligid, hindi mapagkakaila na hindi naman tama ang
celebrasyon na dapat nagunitaan.
Ang lungsod ng Makati ay tinaguriang business district
ng Pilipinas. Sagana sa liwanag ang mga daan, hindi
dahil sa araw dahil bumabagyo naman, ngunit dahil sa
mga palamuti na nakasabit at nakadisenyo sa paligid na
nagsasabing “remembering ninoy.” Pero tunaw-sikmura na
lamang ang naramdaman ko noong may mga dumadaan na
tindero sa kalye na nagbebenta sa mga magagarbong mga
sasakyan. Nasaan ang disiplina, karapatan, kaayusan at
katapatan na tanging hiniling ni Ninoy para sa mga
Pilipino?
Dako naman tayo sa lungsod ng Sucat. Meroong malaking
banner sa gitna ng daan, na nakasabit sa overhead
pedestrian pass. Ang nakakatawa sa itsura ng lugar na
ito, wala namang pumapansin sa banner na
pagkalaki-laki, naging paraan pa siyang maging
promotional props ng mga opisyales ng tinaguriang
bayan. Kung buhay siguro si Ninoy doon sa banner,
lumundag na siguro siya palabas dahil sa karumal-dumal
na pagtatabi ng kanyang litrato sa mga opisyales na
wala namang kinalaman sa kanya.
Sabi ni Sergio Lorenzo, animnapu’t apat na taong
gulang, ibang-iba talaga ang nasyonalismo ng taong
bayan ng mga panahong nagdaan kumpara sa mga paguugali
ng mga tao ngayon. Kulang na kulang ang partisipasyon
ng mga tao sa pangyayari ng bansa. Lahat ay
nagsasarili nalamang at walang pakialam. Hindi tulad
noon, higit na sinusubaybayan at pinaninindigan ang
mga isyus na dapat pagusapan, lalo na ang ng mga
kabataan.
Hindi na ba tayo nahiya sa kaugalian natin? Hindi ako
magiging hypocrito at aaminin kong mayroon din akong
pagkukulang sa pagiging Pilipino, at pagiging mabuting
tao. Suntok sa buwan na lamang kung hindi mo pa rin
alam na naghihirap na ang Pilipinas at nasasayang ang
mga pinaghirapan ng mga taong tulad ni Ninoy.
Panahon na para sa mga Pilipino bumangon sa
paghihibang. Tigilan na ang pagtuturo kung sino ang
may kasalanan at kung sino dapat ang may katungkulan.
Lahat tayo ay may katungkulang mapaunlad ang situation
ng bansa, tulungang bumangon ang lahat kahit sa maliit
na pamamaraan. Sa araw na magsimulang mangyari ito,
siguradong hindi ipagkakailang sabihin muli ng sino
mang sunod na pambansang bayani na magaiging tulad ni
Ninoy na, “the Filipinos are worth dying for!”