trolley
22 August 2003 | 1100H | BF Homes

O Ano Maganda Na Ba Ako?

Text by: Erica Batac | Photos by: Patty de Castro

Maganda May kakaibang kulay na bumabalot sa halos lahat ng kababaihang Pilipina sa kasalukuyang panahon. Isang hindi maipaliwanag na kagandahan na nagmumula sa kawili-wiling mga bagay. Di-karaniwan ang hugis, iba’t-iba ang kulay, sari-sari ang disenyo.

Kung kinakabahan na kayo sa sinasabi ko at iniisip na lahat ng babae sa Pilipinas ay may malakas na anting anting na panggayuma, hayaan niyong panatagin ko ang loob ninyo at sabihin sa inyong hindi anting-anting ito. Ang tinutukoy ko ay ang mga modernong palamuti sa katawan na pinagkakaguluhan ng mga babae ngayon.

Kahit saang kanto ka siguro tumingin ngayon may babaeng nakasuot ng necklace na beads, earrings na beads, anklet, bracelet at kung ano – ano pa. Hindi na ito nakakapagtaka dahil maging nung sinaunang panahon pa, mahilig na ang mga ninuno natin sa beads. Kung inyong natatandaan, ang mga kababaihan sa mga tribu n gating mga ninuno noon ay mahilig maglagay ng kung anu-anong palamuti sa kanilang katawan. Ang pangunahin nilang gayak sa kanilang sarili ay ang mga hiyas na nakukuha nila sa mga kuweba nila. Yan ang mga unang simula ng beads.

Sa panahon ngayon, mas revolutionized na ang mga beads. Mas moderno na ang kanilang mga disenyo, at syempre katulad ng halos lahat ng bilihin sa ngayon, mahal na rin siya. Pinaka popular ang mga semi-precious stones katulad ng amethyst, jade, red corals, etc. Itinutuhog ang mga beads na ito sa isang nylon cord at kinakabitan ng mga pendant na iba’t ibang klase ang hugis. May mga pendant na hugis trianggulo na nakabaliktad, meron naman mga oblong na may pahiyas sa gitna. Pero kahit ano pa man ang hugis niya at disenyo niya, maganda parin tignan.

Maganda Isa pang palamuting kinagigiliwan ngayon ay ang mga 70’s inspired na mga headbands. Oo maari ngang may binabagayan ang mga palamuting ito pero isa itong malaking tulong para sa mga kababaihang ayaw napupunta ang mga naggagandahang buhok nila sa kanilang mga mukha. Kaiba sa mga tradisyunal na hairband na gawa sa plastic at matigas, ang mga headband na ito ay kadalasang gawa sa tela at may iba’t ibang disenyo. Hindi lang nito pinananatiling maayos ang buhok ninyo ngunit binibigyan din nito ng kakaibang “glow” ang mga kababaihan.

Sa araw ngayon, mas pinapaboran ng mga kababaihan ang kasabihang “less is more”. Hindi na kinakailangan mag lagay ng pagka kapal-kapal na kolorete sa mukha ang mga babae para maging maganda sila. Kinakailangan lang nilang I enhace ang kanilang mga features gamit ang mga palamuting binaggit ko sa itaas. Mas magaan din sa bulsa ang paggayak mo sa sarili mo gamit ng mga palamuting iyon dahil maaring ikaw mismo ang gumawa sa palamuti mo, personalized pa ang disenyo siguradong wala kang kapareho.

Sa kahit anong panahon, hindi matatawaran ang kakikayan ng mga babae. Ipinanganak na siguro kaming ganon. Kahit ano gagawin naming para lang mapaganda ang mga sarili. At dahil sa beads at hairbands na uso ngayon, hindi na naming kinakailangang gumastos ng libo-libo para lamang ilabas ang tunay naming ganda. Mabuhay ang mga kikay!




S E C T I O N S

Tao
Characters encountered,
conversations overheard,
lives examined.
[ Enter ]

Lugar
Geography, uncharted
territory, and inner
landscapes.
[ Enter ]

Bagay
Treasures, refuse,
ideas, and the odd
amulet or two.
[ Enter ]

Pangyayari
Action, reaction,
momentum, dissipation.
[ Enter ]

Metro Manila Stories
[ Home ]


Tao | Lugar | Bagay | Pangyayari | Home

Send comments or submissions to Kuwentong Kalye.

Kuwentong Kalye. All rights reserved.
Copyright 2002, Department of Communication
De La Salle University