Kuwentong Kalye | Pangyayari
22 August 2003 | 1501H | Pasay Rotonda

Pirst taym sa LRT…

Text by: Lalay Juco | Photos by: Leo Maranan

Light Rail Transit Sino bang magaakala na matututunan kong matulog na naka-tayo? At matutunan kong makipaglaban para sa aking teritoryo? Yan ang ilan sa mga natutunan ko simula nang ako'y tumapak sa kolehiyo. Noong una ay takot na takot ako sa mga tao lalong-lalo na yung mga may putok kung saan man, huwag na nating banggitin. Naaalala ko pa nga noong kinakailangan ko pang umipon ng maraming token para sa LRT dahil na rin sobrang haba ng mga pila. Buti na lang ngayon ticket na ang ginagamit para sa biyahe, manipis at magaan pa diba?

Unang araw sa kolehiyo. Akyat ng MRT, Taft po, Php 14.00. Sakay, upo, tayo, paupuin ang mga matatanda, iwasan ang mabantot na mamang sumakay-parang galing palengke, bati sa mga kapwa-Lasalista at nang makarating ng Taft, baba na. Sakay ng escalator para naman masulit ang binayad. Nang paglabas sa MRT, ayun na, simula na talaga ng biyahe. Marami na akong narinig na istorya tungkol sa mga kapalpakan sa LRT. Minsan tumitigil, madalas sira at ang pinakamalala, punong-puno ng mga tao. Pero sige pa rin ako ngunit nang makita ko at maamoy ang lugar, back-out na ko. Hindi ko natiis ang ganong sitwasyon. Nasana'y akong hinahatid at sinusundo kaya't ganon na lang ang reaksyon ko ng makita ang lugar. Talo ako. Nag-jeep na lang ako. Sige, bukas na lang ako magl-LRT.

Pangalawang araw: ganun pa rin sa MRT, simple lang ang sakay. Okay lang nakatayo. Patay, LRT na. Ito na, hindi ko na kayang mag-jeep dahil huli na ko sa klase. Ilang minuto na lang oras na para sa una kong klase. Sige, ito na 'to. Diretso ako agad sa ticket booth at sinabi Vito Cruz po, isa lang. Putik, una pa lang pahiya na ko. Flate rate pala. Dose pala para sa buong trip. Sige sakay na ko, token pa pala noong mga panahon na iyon. Pagpasok ko, ayun, tama nga ang mga kwento nila, ang daming tao! Iba't-ibang klase pa, mayron diyang sobrang porma, mga manang na may dalang kung ano-ano. Grabe, parang may sunog, ang bilis at talagang agawan sa lugar. Ayan, nagsimula na kong maging "brave." Syempre, sakay ako agad, lumugar ako malapit sa pinto kasi sabi sakin mabilis lang daw pero ang init sobra. Siksikan pa, pawis na pawis ako. Kadiri. Unang istasyuon pa lang ay gusto ko nang bumaba pero syempre, di pwede. Patay. Iniisip ko na lang na Lay, konti na lang, kaya natin 'to, sige na. Sa wakas, Vito Cruz na! Hulabira! Hindi ko mapakita kung gaano ako kasaya. Naharap ko na yung kinatatakutan ko. Pasok na.

Tiket ng LRT

Ayan, natapos na rin ang makasaysayan kong kwento sa una kong sakay sa LRT. Sa ngayon, syempre, kinakailangan ko pa ring sumakay sa tren na iyan. Marami namang nagbago sa pamamalakad sa sakayan na ito. Ticket na nga ang gamit at hindi na token. May aircon na rin ang ilang tren, dati kasi wala eh. At yung mga babae ay may espesyal nang lugar, yung unahan. Sa ngayon, masasabi kong okay na ko sa pagsakay ng tren. Hindi na ko takot pero syempre, nahaharass pa rin ako paminsan-minsan. Sa pagsakay ng LRT talagang matututo ka. Marami kang madidiskobre. Pero ang pinakanakakaaliw na matututunan mo sa pag sakay sa tren ang matulog na nakatayo


S E C T I O N S

Tao
Characters encountered,
conversations overheard,
lives examined.
[ Enter ]

Lugar
Geography, uncharted
territory, and inner
landscapes.
[ Enter ]

Bagay
Treasures, refuse,
ideas, and the odd
amulet or two.
[ Enter ]

Pangyayari
Action, reaction,
momentum, dissipation.
[ Enter ]

Metro Manila Stories
[ Home ]


Tao | Lugar | Bagay | Pangyayari | Home

Send comments or submissions to Kuwentong Kalye.

Kuwentong Kalye. All rights reserved.
Copyright 2002, Department of Communication
De La Salle University