trolley
22 August 2003 | 1600H | Quezon City

Aroma-tic!

Text by: Eric Cruz | Photos by: Nikki Lañas

aromaParang kabuteng nagsulputan ang libu-libong scented candles sa buong Metro Manila. Isa sa sinasabing dahilan ng pagkahilig ng mga tao rito ay ang iba't ibang disenyo ng mga nito. Ngunit, Higit sa lahat, marami ang naaakit dito dahil sa sinasabing therapeutic effects nito.

Kahit saan ka man pumunta sa Metro Manila ay may makikita kang nagbebenta ng mga scented at aroma therapy candles. Magawi ka man sa naglalakihang malls tulad ng Alabang Town Center o sa mga bangketa ng Quiapo ay madadatnang mong hindi nauubusan ng customer ang mga nagtitinda ng mga scented candles. Samu't saring klase ng mga kandila ang kanilang itinitinda para sa iba't ibang gusto ng mga mamimili. Naroon ang eucalyptus candles, lavander candles, at ang in-demand na vanilla candles. Mabibili rin ang mga kakaibang kandila o specially-made candles tulad ng coffee in the cup candles at mocha candles. Siyempre, hindi mawawala ang mga conventional candles.

Ang iba't ibang flavor nito ay may kanya-kanyang gamit at epekto para sa mga nakaaamoy nito. Tulad na lamang ng eucalyptus o citronella candles na sinasabing insect repellent kaya mabuti raw itong ilagay sa mga veranda at garden ng bahay. May katol ka na, may ilaw ka pa. Ang bergamot flavored candles naman ay sinasabing anti-depressant at nakaaalis ng tensyon. Siansabi ring ito ang usong kandila sa mga young entrepreneurs at college students. Kung isasama naman ito sa Chamomile ay mabuti raw ito para sa mga may insomnia at nakaaalis rin ito ng stress. Ang gardenai at jasmine naman daw ay nakakapagdala ng pag-ibig. Makadadagdag pa rito ang Honeysuckle na nakapagpapapayat, nakatutulong upang pabilisin ang pag-iisip at nakapagpapalakas ng katawan. Ang peppermint naman ay mabuti para sa mga may ubo at sipon tulad din ng rose scent. Samantalang ang locally available na ylang-ylang ay mabutin namang pampababa ng blood pressure.

Ang iba't ibang gamit ng mga ito ay sinasamahan ng napakagagandang disenyo ng mga nito. Iba't iba ang hugis at laki, gayundin ang kulay. Nauuso na rin ang mga sculpted candles. Ngayon ay makbibili na ng angel-shaped candles, rose candles, at iba pa. Puwede na ring I-personalized ang mga scented candles. Maaaring ipalagay ang iyong pangalan sa mga kandila o hidni kaya ay ipalagay ang isang espesyal na bagay sa loob ng kandila. Ito ay dahil sa napakarami na ang nag-susupply ng mga transparent gel candles. Marami na rin ang nagbebenta ng "oriental candles" tulad na lamang ng ginagawa ng Regalong Pambahay o kaya naman ay ang "giant candles" sa Our Home.

Hindi kailangang mag-alala sa presyo. Ang mga scented candles na ito ay mabibili sa halagang tatlumpung piso at hindi tataas sa isang libong piso. Maaari rin namang bumili ng maramihan upang higit na makatipid. Gayundin naman, makabibili ng mga scented candles sa mga bangjket sa halagang sampung piso pataas. aromaParang kabuteng nagsulputan ang libu-libong scented candles sa buong Metro Manila. Isa sa sinasabing dahilan ng pagkahilig ng mga tao rito ay ang iba't ibang disenyo ng mga nito. Ngunit, Higit sa lahat, marami ang naaakit dito dahil sa sinasabing therapeutic effects nito.

Masasabing isang luho ang pagbili ng mga scented candles. Ngunit para sa napakaraming taong nahihilig dito, hindi matatawaran ang mga mabuting bagay na idinudulot nito sa kanila at kadalasa, ang pagbili ng mga ito ay para nang "aroma-tic."


S E C T I O N S

Tao
Characters encountered,
conversations overheard,
lives examined.
[ Enter ]

Lugar
Geography, uncharted
territory, and inner
landscapes.
[ Enter ]

Bagay
Treasures, refuse,
ideas, and the odd
amulet or two.
[ Enter ]

Pangyayari
Action, reaction,
momentum, dissipation.
[ Enter ]

Metro Manila Stories
[ Home ]


Tao | Lugar | Bagay | Pangyayari | Home

Send comments or submissions to Kuwentong Kalye.

Kuwentong Kalye. All rights reserved.
Copyright 2002, Department of Communication
De La Salle University