Kuwentong Kalye | Lugar
21 August 2003 | 0230H | Zobel Roxas, Makati

Sure Delivery!

Text by: Eric Cruz | Photos by: Nikki Lañas

Jerry with a smile Kapag mapapadaan sa Zobel Roxas Avenue sa Makati, hindi mawawaglit sa paningin ang Sure Pure Water Refilling Station. Nagsu-supply sila ng purified water sa mga naninirahan sa kalakhang Makati gayundin sa Maynila. Nagbibigay sila ng free delivery services para sa kanilang tapat na mga suki. Sa prosesong ito, napakahalaga ang papel na ginagampanan ng mga delivery boys.

Isa sa mga delivery boys ng Sure Pure-Zobel Roxas branch ay si Mang Jerry. Matagal na siyang nagtratrabaho dito. Mahigita sampung buwan na nang unang mamasukan si Mang Jerry bilang helper. Ang kanyang ginagawa ay ang pag-seal ng mga bote ng tubig. Paminsan-minsan ay taga-linis din siya ng mga boteng kailangang i-refill. Matapos ang tatlong buwan, agad na nagging delivery boy si Mang Jerry. Ayon sa kanyang amo si Ms. Benny, mabait daw at mapagkakatiwalaan itong si Mang Jerry. “Nakakakuha kami ng feedback na friendly daw itong si Jerry at napansin din naming magaling siya sa sales talk,” dagdag pa ni Ms. Benny. Ngayon ay siya na ang head delivery boy. Malaki ang kanyang responsibilidad, siya ang nakikipag-usap at kumukuha ng bayad ng mga customers. Tunay ngang mapagkakatiwalian si Mng Gerry upang ipagakatiwal sa kanya ang bayad ng mga customers.

Sa katunayan, maraming kalabang kumpanya na ang nagnanais na makuha si Mang Jerry. Ayon sa kanya, higit na malaki ang iniaalok na suweldo ng mga iyon pero hindi niya iyon tinanggap. Sabi niya, mabuti ang trato sa kanya ng kanyang mga amo kaya’t nararapat lamang na ibigay niya ang kanyang katapatan dito. Bilang patunay na mabait sa kanya ang kanyang mga amo, nakikipag-inuman para raw ang anak nito sa kanila. Marunong daw silang makisama at hindi na raw iba ang trato sa kanila.

Nang tanungin naming kung mahirap ba ang kanyang trabaho bilang delivery boy, agad na sumagot na masaya naman siya sa kanyang trabaho. “Medyo mahirap dahil nakakapagod lalo na kapag sunod-sunod ang orders. Pero, masaya naman dahil marami kang nakikilala,” dagdag pa niya. Pitong araw tuwing linggo siya nagtratrabaho at tuwing tanghali ang kanyang shift. Hindi siya napapagod at ito ang patunay na sadyang ubod ng sipag itong si Mang Jerry.

Buong interes niyang kinuwento ang kanyang experience nang mawala ang kanyang pedicab dahil nakalimutan niya itong i-lock. Napagalitan siya at nabawasan ang kanyang sahod pero okey lang daw, at least natuto siya sa kanyang pagkakamali at higit na raw mas maingat siya ngayon.

Sure Pure! Nang tanungin kung ano bang pinapangarap pa niya sa kanyang buhay, sabi niya na ninanais din niyang magkaroon ng sariling water refilling station.

Saludo kami kay Mang Jerry para sa sure delivery!


S E C T I O N S

Tao
Characters encountered,
conversations overheard,
lives examined.
[ Enter ]

Lugar
Geography, uncharted
territory, and inner
landscapes.
[ Enter ]

Bagay
Treasures, refuse,
ideas, and the odd
amulet or two.
[ Enter ]

Pangyayari
Action, reaction,
momentum, dissipation.
[ Enter ]

Metro Manila Stories
[ Home ]


Tao | Lugar | Bagay | Pangyayari | Home

Send comments or submissions to Kuwentong Kalye.

Kuwentong Kalye. All rights reserved.
Copyright 2002, Department of Communication
De La Salle University