21 August 2003 | 0700H | Quezon City
Suki ng Little Quiapo
Text by: Amirah Juco & Leo Maranan | Photos by: Leo Maranan & Amirah Juco
Subukan niyong dumalaw sa Little Quiapo sa may V. Luna Quezon City at siguradong makikita ninyo doon si Amiel Gueco. Ngunit sino nga ba si Amiel Gueco at ano bang misteryo sa taong ito?
Kung susubukan niyong pumunta at tanungin ang mga taga Barangay Piñahan kung sino at nasaan si Amiel Gueco ay isa lang ang kanilang isasagot: “Nandun sa may Little Quiapo.” Tama, Little Quiapo in Quezon City. Sinubukan naming hanapin ang misteryosong lalaking ito upang malaman kung anong kwento niya sa buhay.
Medyo nahirapan kaming hanapin si Mr. Amiel Gueco, 21 years old at ipinangak sa Bacolod City. Nahihiya siyang magpa-interview noong mga panahong iyon ngunit salamat sa mga waiter sa Little Quiapo. Syempre naabutan naming siyang kumakain ng paborito siyang putahe sa lugar na iyon, ang super special halo-halo Little Quiapo style. Nang tanungin naming siya kung paano siya nagging popular sa lugar na iyon ay ikinwento niya kaagad ang buhay niya.
"Noong 1995 kasi, na-diagnose ang mother ko for cancer and since in Manila mas-advance ang medical facilities, nag-decide kami ng family to stay here for her chemotherapy. The story about my addiction to Little Quiapo is quite a tradition. Since my mom and I love Filipino food and a friend of hers told her about this place ay ayun na. History na. I remember pa nga eh when my mom would order a lot especially the binagoongang rice plus the kare-kare kasi favorite namin yun. Minsan ditto lang kami natakambay lalo ng kapag summer kasi specialty nila yung super special halo-halo Little Quiapo style. It’s really ordinary lang kapag tinignan mo yung mga sangkap niya pero once you’ve tasted it eh parang nasa cloud nine ka ng di oras. Personally I think that their deep fried liempo plus gravy plus samahan mo pa ng 2 garlic rice, is the best liempo I have ever tasted. Now, since my mom past away in 1996, I always make to a point na everyday ditto ako kakain ng merienda or dinner or kahit visit lang kasi parang ito na yung lugar kung saan nagging masaya kami ng mommy ko."
"Actually, alam na alam na ng mga waiter ditto yung routine ko nga eh. May iba’t-iba akong theme in each day of the week parang kapag Sundays Filipino type ng food tapos kapag Mondays naman medyo Italian syempre kailangan dyan yung mga risotto, ravioli, past and pizza pero pinaka-favorite ko ng is their super special Halo-halo Little Quiapo style. Kakaiba talaga yung timpla eh. Madalas din ay nililibre ko yung mga manong sa labas kaya na rin siguro ako nagging kilala sa lugar na ito. Friendly naman lang talaga ako eh, smile lang yan, sikreto ng mga Ilonggo. I encourage you to try and visit this place. The atmosphere is serene and the place is really peaceful and clean. And syempre, don’t forget to try everything on the menu. Sulit talaga kasi eh."
At ayun nga, matapos ang ilang shakes at pizza sa Little Quiapo ay nalaman naming ang istorya ni Mr. Amiel Gueco. Kayo rin, subukan niyong dumalaw sa may V. Luna Road sa East Avenue ditto sa Quezon City at subukan ang mahiwagang pagkain sa Little Quiapo.