Kuwentong Kalye | Pangyayari
21 August 2003 | 0200H | Makati

Instant Generation

Text by: Leo Maranan | Photos by: Leo Maranan

Instant Generation

Isang penomena ang nangyari sa pagpapalit ng dekada otsenta at dekada nobenta. Para itong time machine kung saan bigla ka na lamang magugulat dahil iyong iisipin na ikaw ay biglang nasa ibang lugar o dimensyon na. Habang umaandar ang dekada nobenta, tumatakbo naman ang pagbabago sa mundo. Sa isang kisapmata lamang, nasaksihan nang buong mundo kung paano umunlad ang mundo nang teknolohiya at siyensya. Ang lahat nang ito ay masasabi nating nagpaunlad sa kaisipan ng san libutan. Ngunit sa bilis nito, para siyang isang bulalakaw na bumangga sa henerasyon na sumalo at tumanggap dito... iyan ang henerasyon namin... ang "instant generation."

Marahil ikaw na nagbabasa ay nagtatanong, bakit instant generation ang itinawag ko sa aming panahon. Simple lang ang kasagutan. Tumingin ka at suriin nang mabuti ang iyong paligid. May nakikita ka pa bang nagdidikdik ng kape? Mayroon ka pa bang kakilala na gumagawa ng sulat at ipapadala sa kartero? Sino-sino pang nanay ang gumagawa ng home made noodles o magpapakulo ng patatas at gagawa nang mashed potato? Ang sagot sa katanungan kong ito ay, mangilan-ilan na lamang. Bakit mo nga naman gagawin lahat ang mga iyon kung napakadali naman pumunta sa kalapit na suking tindahan at bumili ng Nescafe, o Royal Pasta Spaghetti? Meron na tayong instant mashed potato, instant virtual pet, instant virtual bf/gf, instant wedding, at maging instant baby. Lahat nang iyan ay dahil sa pagmamagandang loob ng agham at dahil na rin sa kagustuhan nang tao na mapadali ang kanyang buhay. Instant Products

Sang ayon ako na napagiginhawa nang mga ito ang ating buhay. Ngunit malaki ang epekto nito sa kabataan ngayon, sa amin. Sa bilis nang takbo ng buhay ngayon, para kaming mga kabayong hinihingal ngunit hindi naman alam kung saang direksyon patungo. Ang lahat nang bagay ay nakahanda na sa aming harapan at pilit na pinapatanggap- nang sabay sabay. Ngunit sa dami nang impormasyon na mga ito, hindi na alam kung alin ang uunahin, kung alin ang hindi at dapat tanggapin. Dahil din dito, umiikli ang pasensya nang mga tao dahil nasasanay sila na mabilis makuha ang mga bagay na kung tutuusin ay simple lang naman. Hindi ko naman maaaring sabihin na tamad ang henerasyon na ito sapagkat sa bilis nga nang takbo nang buhay, hindi ka dapat tutulog tulog at baka ikaw ay maiwanan.

Ang henersayon ngayon sa tingin ko ay nangangailang nang kaunting oras at pahinga. Oras, dahil katulad nang sinabi ko, napakabilis tumakbo ang bawat sandali. Dahil sa bilis, hindi man lamang ito mahawakan. Hindi man lamang manamnam ang bawat sandaling lumilipas sa bawat araw ng buhay. Pahinga... siguro sasabihin mo na wala pa naman nagagawa ang henerasyon na ito. Marahil wala pa nga. Ngunit nakakapagod ang habulin ang bawat sandali.

Nakakatakot isipin. Ihambing mo ang henerasyong ito sa isang hard drive ng computer. Punuuin mo ang computer na ito ng iba't-ibang files, at mga programs. Paandarin mo ang computer na ito nang isang linggo na walang patayan. Sa tingin ko ang computer na ito ay magka-crush at masisira, kung hindi man ay sosobra ang bagal o hindi na magiging kapakipakinabang. Sa tingin ko, ito ang mangyayari sa aming henerasyon... kung hindi kami titigil muna nang ilang sandali at umamoy nang bulaklak sa hardin.


S E C T I O N S

Tao
Characters encountered,
conversations overheard,
lives examined.
[ Enter ]

Lugar
Geography, uncharted
territory, and inner
landscapes.
[ Enter ]

Bagay
Treasures, refuse,
ideas, and the odd
amulet or two.
[ Enter ]

Pangyayari
Action, reaction,
momentum, dissipation.
[ Enter ]

Metro Manila Stories
[ Home ]


Tao | Lugar | Bagay | Pangyayari | Home

Send comments or submissions to Kuwentong Kalye.

Kuwentong Kalye. All rights reserved.
Copyright 2002, Department of Communication
De La Salle University