Kuwentong Kalye | Tao
21 August 2003| 1717H | Quezon City

Inspirasyon sa Pagbabago: Ang Kwento ni Bro. Bingbong Crisologo

Text by: Kate dela Peña| Photos by: Kate dela Peña

Mr. Crosologo Dati siyang tao na makapangyarihan. Lahat mayroon siya, goons, guns and glory. Ngunit dahil sa isang pangyayari, nagbago ang kanyang buhay. Nakilala niya ang Diyos. Siya si Bingbong Crisologo at maswerte ako na nakapanayam ko siya. Nagagalak ako ikuwento ang kanyang makulay na buhay sa inyo.

Ipinanganak siya sa isang mayaman at makapangyarihang pamilya sa Ilocos Sur noong ika-31 ng Mayo, 1947. Ang kanyang ama, Floro ay isang Congressman ng Vigan at ang kanyang ina, Carmeling, na ay isang gobernador. Kahit galing siya sa isang prominenteng angkan, hindi siya naiiba sa ibang bata. 'My childhood days was like the ordinary child's for although my father was a Congressman and my mother was a governor at that time, we had to cope. I went to school in a jeep,' kwento ni Tito Bingbong.

Siguro ang pagkakaiba lang sa kanyang kabataan sa ibang bata ay ang mga nagkakalipumpong mga tao sa kanilang bahay para makausap ang kanyang mga magulang. Sa murang edad ng labinlimang taon, siya na ang kumukuha ng mga biling ng mga tao para sa kanyang mga magulang. Dahil dito, naramdaman na niya ang buhay ng isang pulitiko. Sa ganitong edad, pakiramdam niya na maari niyang sundin ang mga tapak ng kanyang mga magulang. Ito siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit kumuha siya ng kursong Political Science sa Pamantasan ng De La Salle sa kolehiyo.

Ang mahigpit na kaaway ng mga Crisologo sa laran ng pulitika ay si Luis “Chavit” Singson, ang pinsan ni Bingbong. Sinubukan niya talunin sa pagka-Congressman si ang ama ni Bingbong noong 1969 ngunit hindi siya nagtagumpay.

Isang mapait na pangyayari ang nangyari sa buhay ni Bingbong noong 1970. Habang nananalangin ang kanyang ama sa St. Peter’s Cathedral, siya ay binaril ng mga di kilalalang tao. Galit at pagkamuhi ang naramdaman ni Bingbong ukol dito. Wala siyang gustong gawin kung hindi maghiganti sa mga pumaslang sa kanyang ama. Una niyang pinagbintangan ang kanyang mga kaaway sa pulitika kahit wala naman siyang katibayan laban sa kanila.

Pagkapaslang sa kanyang ama, isang marahas na giyera ang namagitan kina Bingbong at Chavit. Anim na beses pinatangkaan ang buhay ni Chavit. Noong ika-22 ng Mayo, 1970, sinunog ng mga armadong lalake ng isang buong baryo sa Bantay at noong hapong iyon, nagsunog sila ulit ng mga bahay sa isa pang baryo na sa Bantay rin. Isang matandang babae ang nawalan ng buhay dahil sa pangyayari na ito.

Muli hinamon ni Chavit ang mga Crisologo sa pulitika. Tumakbo siya bilang goberndor noong 1971, kinalaban niya sa election ina ni Bingbong. Sa pagkakataong ito, nanalo si Chavit Singson. Dahil dito si Chavit na ang namumuno sa pulitika ng Ilocos Sur. Inagaw niya ang kapangyarihan mula sa mga Crisologo. Tila nagiiba na ang ikot ng mundo ni Bingbong. At noong 1978, napatunayan ng Korte na siya ang utak sa likod ng mga panunog nga mga baryo sa Bantay. Hinatulan siya ng double life imprisonment. Nakulong siya sa National Penitentiary sa Muntinlupa.

Akala ni Bingbong na katapusan na ng kanyang buhay. Sa hindi niya lang nalalaman, ang kanyang pagkakakulong ang magbibigay sa kanya ng bagong panimula. Marami siyang natutunang mga importanteng bagay sa kulungan. Bago siya kinulong, akala niya na “life would always be good to me. You learn a lot of things and the realities of life become very transparent.”

Ngunit mayroon pa isang napakahalagang natutunan si Bingbong habang namamalagi siya sa Muntinlupa. Nakilala niya ang The Catholic Charismatic Renewal habang siya ay nakakulong. Ang grupong ito ay ang nagpakilala kay Bingbong sa pagmamahal at kapangyarihan ng Panginoon noong akala niyang gumugunaw na ang mundo sa kanya.

Tuluyang nagbago ang buhay ni Bingbong. Nabigyan siya ng bagong pagasa sa buhay. Noong 1981, siya ay pinalaya sa pagkakulong.

Dahil sa pagkakataon na binigay ng Panginoon upang siya ay makalaya, nais niyang patibayin ang kanyang relasyon sa Kanya. Sumali siya sa mga iba’t ibang mga charismatic movement para maibahagi niya ang kanyang bagong buhay kasama si Hesus.

Ngunit tila may mas malaki pang handog ang Panginoon para sa “ikalawang buhay” ni Bingbong. Napansin niya na karamihan sa mga charismatic movements ay hindi Katoliko. Dahil dito, dumadami ang mga Pilipinong tumatalikod sa reliyon ng Katolisismo. Masakit ito sa kalooban ni Bingbong kaya noong ika-5 ng Marso, 1982, pinagtipon-tipon niya ang mga Katolikong “nagbagong buhay.” Itinatag niya ang The Loved Flock Catholic Charismatic Renewal Ministries (TLFCCRM) may layuning mamuno ng Catholic Life in the Spirit Seminar (CLSS) at mga iba pang prayer meetings na ipinagdiriwang sa gusaling pagaari ng kanyang pamilya. Sa ngayon, libo libo na ang kasapi sa grupong ito.

Tunay ngang naging inspirasyon si Bingbong Crisologo. Hindi nakapagtataka na ginawang pelikula ang kanyang buhay na naging isang box office success.

Binigyang muli ni Bingbong ang pulitika ng isa pang pagkakataon. Ilan beses siya natalo ngunit natikaman niya ang tagumpay noong tumakbo sya bilang konsehal para sa Unang Distrito ng Quezon City noong 1998. Nagwagi muli siya noong tumakbo siya muli bilang konsehal noong 2001.

Kung dati, gusto niya maging pulitiko para sa kapangyarihan, iba na ang dahilan niya ngayon. “As a City Councilor, I can do more for the least of the brethren of God by helping them with the facilitation of government especially the poor,” sabi ni Bro. Bingbong. Hindi pa niya alam ang kanyang balak para sa 2004.

Loved Flock Marahil nababasa natin sa mga pahayagan ngayon na gagawing pelikula ang buhay ni Chavit Singson. Malamang, ang lalabas ng kontravida ay si Bingbong. Hindi siya nababahala dito. Ayon sa kanya, 'Well even in my movie ‘Bingbong: The Vincent Crisologo Story,’ I was an antagonist in the 1st part until in the end I met the Lord. I understand it would also be that way in Chavit’s movie.'

Sa ngayon namumuhay ng simple at maligaya si Bingbong kasama ng kanyang asawa si Rica at kanyang mga 4 na anak.

Lahat tayo nagkakamali, ngunit laging may pagasa para magbago. Kung kaya ni Bingbong Crisologo kaya rin natin.


S E C T I O N S

Tao
Characters encountered,
conversations overheard,
lives examined.
[ Enter ]

Lugar
Geography, uncharted
territory, and inner
landscapes.
[ Enter ]

Bagay
Treasures, refuse,
ideas, and the odd
amulet or two.
[ Enter ]

Pangyayari
Action, reaction,
momentum, dissipation.
[ Enter ]

Metro Manila Stories
[ Home ]


Tao | Lugar | Bagay | Pangyayari | Home

Send comments or submissions to Kuwentong Kalye.

Kuwentong Kalye. All rights reserved.
Copyright 2002, Department of Communication
De La Salle University