20 Aug 2003 | 1425H | Parañaque
GOOD LOVIN’ WITH THE LOVE MACHINE
Text by: Nikki Lañas | Photos by: Eric Cruz
Love Machine… Parang ang kinky ng dating ‘di ba? Pero para sa mga may bahid ng kadungisan ang utak diyan, I’m sorry to frustrate you, pero hindi po ito isang uri ng procreating gadget o kaya’y terminong ginagamit para sa mga taong mahilig magpakalat ng lahi. Ang Love Machine ay isang sasakyan – white model ‘95 Tamaraw FX, to be exact, na pagmamayari ni Paner Villanueva, isang 5th year Communication Arts student sa De LaSalle University at residente ng BF Homes, Parañaque.
Pinagalanan ni Paner na “Love Machine” ang kanyang FX dahil iba daw ang dating nito. “Nag-start kasi ‘yan nung nakikinig ako ng soundtrack ng Studio 54. May isang song doon na yung title, Love Machine. Naging favorite ko yun kasi bagay sa akin eh… Senswal na groovy.” .
Matagal na kay Paner ang Love Machine. Binili ito ng mommy niya nung 1995. Grade 6 pa si Paner no’n. Pero kahit 8 taon na ito ay maayos pa rin daw ang performace nito. “Steady. ‘Di pa ‘ko tumitirik ever. Sobrang reliable niyan lalo na ‘pag baha.” Ito ang nagsisilbing transpo niya papasok ng school. “Hate ko kasi magcommute, noh. Kaya nung natuto ako magdrive, sinigurado ko na hindi na ’ko magco-commute.” .
Malaki ang seating capacity ng sasakyang ito. Siyam na tao ang puwedeng umupo dito ng komportable (isa sa driver’s seat, 2 sa tabi ng driver’s seat, 4 sa gitna at 2 sa bawat gilid sa likod). Ang pinakamaraming nasakay niya dito ay 12. Marami at iba-ibang klaseng tao ang sumasakay dito. Tuwing umaga papasok sa school, kasama niya ang mga kapatid niyang sina Kayty at Derik. Paminsan-minsan, sumasabay ang mga kaibigan nila. “(Pero) ‘pag gabi na, madalas ako na lang mag-isa kasi ayokong ma-traffic so late ako umuuwi.” Madalas gamitin ang Love Machine sa mga gimik at kapag may production ang Green Media Group, ang organization na kinasasalihan ni Paner, dahil nga sa marami ang maaaring umupo dito at malaki ang space para sa pagkarga ng gamit. “Kung sinu-sino na’ng nakasakay diyan eh, as in. Basta kailangan ng transpo at puwede ako (magdrive), ginagamit namin ang Love Machine.” .
So ano nga ba ang meron sa Love Machine na wala sa ibang mga FX? “Yung driver. (sabay hagikgik.) Tsaka ung mga sumasakay lalo na si Maneh (Nikki Lañas). Asteeg din yung sounds pang- all walks of life. Libre ang sakay. Pwedeng dalhin kahit saan.” .
Marami nang mga unforgettable memories si Paner kasama ang kanyang Love Machine. Ang pinakapaborito niya ay yung “ times na nagbabanjing kami ng mga Jamby’s (group of friends ni Paner) tapos drive lang ako ng drive tapos naliligaw na pala kami.” .
Talagang espesyal ang Love Machine dahil sa “homey atmosphere” nito. Yung likod, parang isang malaking cabinet dahil sa mga nakasabit na mga damit. May mga unan na puwede mong gamitin kapag inaantok ka o kaya’y gusto mong mangharot ng tao. Halos lahat ng necessities ay meron dito – tissue, pabango, kahit pa biton sa sapatos. Iba-iba ang mga kantang pinatutugtog dito – Shout to the top, Xanadu, Ang Boyfriend kong baduy – kahit ano! Dati pa nga, yung punda ng mga upuan gawa sa telang may floral pattern, yung madalas gamitin sa sofa. Talagang hindi lang ito pambiyahe – pangtambay pa. .
Mahal na mahal ni Paner ang kanyang Love Machine. Nang tanungin ko siya kung pagpapayag siyang ipagpalit ang Love Machine kung mabibigyan siya ng pagkakataong bumili ng bagong sasakyan, ito ang kanyang sinabi: “ Okay lang. Sana red na Rav4… Yung bago. Kaso siyempre iba pa rin yung original na Love Machine eh, mas marami nang napuntahan ‘yan tsaka talagang hindi pa ko dina-down niyan eh.” .
So Paner. Define Love. .
“Love… Hmm… Paner + Love Machine = Romansa… Er.. Love. Haha corny.”