20 August 2003 | 0930H | Taft Avenue, Manila
Happy Kiddie Meal
Text by: Leo Maranan and Lalay Juco | Photos by: Leo Maranan and Lalay Juco
Miss, pwede bang si Nemo? Iyan ang aking sinabi (at sinabi rin noong mamang katabi ko sa counter) kagabi nang kumain kami kasama ang aking mga kaibigan sa McDonalds.
Mahilig ka ba kumain sa McDonalds, Jollibee, o kahit anong fastfood? Nanood ka bas a mga local channels? Kung oo ang sagot mo, siguradong alam mo ang Happy meal at ang Kiddie Meal. Para sa mga hindi nakakaalam, eto yung mga inoorder sa mga fast food restaurants na may mga kasamang laruan. Ginawa ang mga ito upang akitin ang mga bata (well, pati na rin matatanda kung minas) na kumain sa mga kainan na ito.
Inumpisahan ito nang McDonald’s sa America noong 1979. Sa Pilipinas naman, ang Jolibbe ang nuna noong 1982. Nang makita na malakas ang kita nito sa mga mamimili dahil nga sa pag-akit nito sa mga bata, ay sumunod na ang iba pang mga fast food chains tulad ng Burger King at Carl’s Jr.
Sigurado akong halos lahat ng makakabasa nito ay nagkaroon ng kahit isang laruan mula sa mga meal na ito noong sila ay bata pa. Aaminin ko, isa rin ako sa mga nabaliw sa mga laruan na kasama dito. Natatandaan nyo pa ba yung mga bendable pens na kasama sa Jollibee Kiddie Meal? Eh yung mga Changeables na kasama naman sa McDonalds Happy meal? Ang lahat nang mga ito ay nagbigay aliw at minsan ay konsumisyon sa mga magulang sa halos lahat ng pamilyang Pilipino na mayroong access sa mga fastfood restaurants.
Lahat nang maaari mong isipin na laruan ay mukhang nagawa at naisama na sa mga meal na ito. Mula sa mga simpleng plastic cups at laruan na gawa sa plastic, hanggang sa mini radios ay nailagay na sa mga munting kahon na may kasamang hamburger o spaghetti. Minsan naman ay mga sikat na cartoon characters na mapapanood sa telebisyon o sa mga sinehan. Nagkaroon ako ng Batman, Popeye, Spiderman, Lilo & Stitch, at ngayon nga ay si Nemo. (Oo hanggang ngayon ay bumibili pa rin ako ng mga meal na ito, lalo na kapag gusto ko ang laruan. Hehehe.)
May mga tao naman na ginagawa itong koleksyon. Iniisip nila na pagdating nang mahabang panahon ay magkakaroon ng mataas na halaga ang mga laruang ito. Pero sa aking pananaw ay hindi dadating iyong panahon na iyon. Para sa akin, ang mga laruan na kasama ng mga kiddie meals na ito ay may halaga lamang para sa mga bata na kadalasan nga ay tatagal lamang ng isang linggo.
Hanggang ngayon, malaki pa rin ang kita na kinukuha nang mga fast food chains mula sa mga meal na ito. Sa kadahilanang ang mga bata (minsan pati na rin matatanda) ay laging maghahanap nang mga bagong laruan. Sa tingin ko, ang mga kiddie meals na ito ay tatagal pa at magbibigay aliw pa sa maraming henerasyon. Sigurado akong maraming laruan pa ang maiisip na gawain para ilagay sa maliliit na kahon na may kasamang hamburger o spaghetti.
Hmmm… sino naman kayang character ang kukunin ko mamaya sa Happy Meal ko?
|
|
S E C T I O N S
 Characters encountered, conversations overheard, lives examined. [ Enter ]
 Geography, uncharted territory, and inner landscapes. [ Enter ]
 Treasures, refuse, ideas, and the odd amulet or two. [ Enter ]
 Action, reaction, momentum, dissipation. [ Enter ]
 [ Home ]
|