Kuwentong Kalye | Lugar
19 August 2003 | 1530H | West Service Road

Ang Misteryo Ng Mga Lalake Na Ginagaya Ang Mga Aso At Ang Solusyon Dito

Text by: Kate de la Peña | Photos by: Denise Melendres

Pink UrinalAno nga ba ang kinaibahan ng mga aso sa mga tao? Hmmm ang aso ay tinatawag na man’s best friend, pero sa tingin ko, ibang iba naman ang ugali ng aso sa isant tao. Kaya ewan ko ba, as in hindi ko maintindihin kung bakit pinagpipilitan ng mga kalalakihan dito sa Pinas na maging parang aso. Oo, ang mga Pinoy ginagaya ang mga aso. Aba, paano naman ito nangyari? Ano ba ang mga halimbawa ng mga ito? Sige, kapag naglalakad ka sa daan ko dumudungaw ka sa bintana ng iyong sinasakyan tapos amy nakita kang lalake na nakatalikod at nahakarap sa pader, ano kaya ang ginagawa niya. Wala lang siguro may tigyawat siya sa ilong kaya ayaw niya humarap sa mga tao. Pero kadalasan kaya siya nakaharap sa pader ay dahil UMIIHI SIYA!!!

O di ba ang mga aso lang dapat ang umiihi sa daan? Kaya nga isang beses noong nakita ko minsan na nakasulat sa pader ang mga salitang “Bawal umihi dito, aso ka ba?” natawa lang ako. Paano kasi ang mga lalake walang self-control. Hindi kasi sila mahilig magisip kung minsan. Kung sabagay, paano kung pumuputok na ang pantog ng isang lalake pero wala siya maghanap na CR sa daan, e di sa pader na lang o sa mga damo. Good for the plants pa di ba? Unfair lang nga ito sa mga babae pero ganyan talaga ang buhay. Mas may kontrol kasi ang mga babae…

Salamat sa teknolohiya, may mga solusyon ang mga ganitong klaseng problema. Noong mga 1997, biglang nagsulputan ang mga Portalet sa mga daan. Ang Portalet ay parang maliit na cubicle na naka-enclose. Sa loob may mala anidoro na nandoon pero imbes na tubig lumalabas kapag nagflu-flush, isang uri ng kemikal ang ginagamit. Ok sa sana ang Poratalet ngunit mahal ang pag-maintain dito. Kaya napapansin ko na hindi madalas makita ang mga Portalet nalu ngayon. Marami rin ang natatakot pumasok dito dahil baka marumi daw o baka paglabas nila, hoholdapin sila kasi natatagpuan ang Portalet sa daan. Ngunit kahit papano, nakakatulong ito sa pagpupuksa sa mga “aso” dito sa ating lipunan.

Sa ngayon, may isang bagay na bigla na lang sumibol sa mga daan ng EDSA at Parañaque na mas misteryoso pa sa mga taong nagmimistulang aso. Ito ang mga hot pink urinals na matatagpuan sa EDSA, service road atbp. Salamat kay Bayani Fernando, wala ng rason para umihi sa daan ang mga lalake. Ngunit bakit nga ba pink ang kulay ng mga ito? Sabi dahil paboritong kulay day ng misis ni Bayani ang pink, sabi naman ng iba dahil daw ayaw niya gayahin ang kulay ng DPWH. Gusto niya maging kakaiba ang MMDA. Kung ano man rason any mayroon siya, maraming kalalakihan ang naiinis dito. Hold Up To!

“Baduy!” sabi ni Roberto Panganiban, isang guro sa Pamantasang De La Salle. Sabi naman ni Mike isang magaaral, “Dapat yellow kasi yellow ang ihi ng lalake. Pag pink (ang ihi mo) parang may sakit iyon…parang STD.”

Ngunit may mga ibang lalake rin ang natuwa katulad ni Tristan na isang magaaral din. “Pwede na mga bading doon,” pangiti niyang sinabi.

May mga iba naman na walang paki katulad ni JM. Sabi niya, “ I don’t think any differently of them.” Sabi naman ni Tantan, hindi naman siya gumagamit ng urinal, mas gusto daw niya gamitin ang toilet kasi takot siyang masilipan.

Para sa akin, mabuti na lang na may mga urinals na ngayon sa mga daan. Ngunit, kailangan baguhin ng kaunti ang mga ito.

Una, dapat naka-enclose ang mga urinals. Dapat may pintuan ito at may lock para may privacy. At kapag maliit ang lalake, makikita mo ang kanyang tinatago. Pangalawa, kapag umihi ang isang tao, didiretso ang kanyang ihi sa isang bag o container. Napaka unhygienic naman nito. Uso pa naman ang SARS ngayon at ayon sa mga pagaaral, ang ihi daw ay maaring tagahatid ng SARS. At higit sa lahat, PAANO NAMAN KAMI MGA BABAE? Wala ba kami karapatan umihi? Higit na kailangan ng mga babae ang isang portable toilet dahil hindi pwede umihi ng nakatayo ang babae. Kailangan may panglalake at may pangbabae din. Hold Up To!

Basta ang importante, hindi dapat umihi sa pader o sa daan ang mga lalake. Kasi hindi sila mga aso, mga tao sila. Isa pa, nakakadiri at para kang walang modo kung basta ka lang iihi sa daan. Ang mabuti pa, bago kayo lumabas ng bahay, ilabas niyo na ang lahat ng iyong ihi sa bahay at huwag na uminom ng tubig pagkatapos. E di wala ng problema di ba?


S E C T I O N S

Tao
Characters encountered,
conversations overheard,
lives examined.
[ Enter ]

Lugar
Geography, uncharted
territory, and inner
landscapes.
[ Enter ]

Bagay
Treasures, refuse,
ideas, and the odd
amulet or two.
[ Enter ]

Pangyayari
Action, reaction,
momentum, dissipation.
[ Enter ]

Metro Manila Stories
[ Home ]


Tao | Lugar | Bagay | Pangyayari | Home

Send comments or submissions to Kuwentong Kalye.

Kuwentong Kalye. All rights reserved.
Copyright 2002, Department of Communication
De La Salle University